*************************************************************
Sa panahon ngayon, naglipana ang teleserye dito sa Pilipinas. Basta Pinoy, in na in sa atin ang mga ito. Hindi lang teleserye at pati fantaserye o telefantasya o sineserye man ito.. mapa Capt. Barbel, Marinara,Komiks,Esperanza at ang kinababaliwan ng masa ngayon ang Sana`y maulit muli na kakatapos lang, ang Maria Flordeluna na paborito ko dahil kay Wilma at ang kawawang si Flor at marami pang iba.. iba`t ibang klaseng titulo pero iisa parin ang mga drama nito. May babaeng maiinlove ngunit may kaagaw, may nawawalan ng pamilya at maghahanap kung saan, may awayan at bakbakan o kaya`y may krimen na magaganap. May kuwento patungkol sa pag-ibig, pamilya, kaibigan, kaaway, katatakutan, kahiwagaan at kamunduhan.
Siyempre hindi mawawla ang bida.. sino ba naman ang may ganang manuod sa eksena at paano mabubuhay ang drama kung walang kontrabida? Kapag may bida siyempre may kontra ika nga walang negative kung may positive at walang ying kung walang yang. Eto ang nagbibigay ikot sa mundo.. mundo man ng posible at imposible. May iba`t ibang paraan para matapos ang palabas, may mamatay.. buhay..o naka survive. Siyempre, hindi namamatay ang bida dahil siya naman dapat talaga ang mabuhay pero may mga pagkakataon na ang kontra ang natira.Punong puno ng emosyon sa bawat eksena.
Bakit nga ba mahalaga ang mga ito sa Pinoy? Sa kadahilanang nagbibigay kulay mapa araw man o gabi. Nagbibigay ng matinding emosyon kapag sinampal o di kaya`y nilatigo ang bida *evil laugh* at sinabunutan ito, nakakarelate kung ang pamilya ay hiwalay o di kaya`y malayo sa isa`t isa, stress relieving dahil alam mo kahit na corny pero deep inside, natutuwa ka sa nangyayari at nalilibang ka sa istorya na kahit dun man lang, alam mong mas matindi pa ang nararanasan sa istoryang iyon..
pero ano nga ba talaga ang hangarin nito?
ang bigyang linaw ang katotohanan o
paniwalaan kahit ito`y isang pantasya lamang..
----
.Teleserye ng mga pinoy.